
Ang Pilipinas ay kilala sa isa sa may pinakamasipag, matalento at mapamaraan na mamamayan. Ngunit may isang katangian ang ating lahi na sadyang nakasisira sa kaunlaran ng ating bayan... Ano ika yon? Ano pa nga ba kundi ang ating pagiging "utak talangka". Ang isang ugaling kinagawian o kinasanayan ng ating lahi ay tunay na nakasisira sa ating bayan at lalong lalo na sa ating kapwa tao. Saan man lupalop ka ng mundo, siguradong masasaksihan mo ang ganitong masamang paguugali.
Bakit nga ba? Ito ang isang malaking tanong sa aking isipan. Bakit nga ba marami sa ating mamamayan ang hindi maamin ang kasaganaang o parangal na natatanggap ng ating kapwa? hindi ba mas masaya at mas magaan sa kalooban kung tayo ay nagtutulungan maiangat ang ating lahi?
May kasabihan tayo na kalawang ang sumisira sa bakal. Saan nga ba nanggagaling ang kalawang? hindi ba sa sariling bakal? Kung ang kinakalawang nating buhay ay hindi natin lalangisan sadya ngang ito ay tuluyang ma sisira , masisira dahil sa sarili nating kapabayaan. Ang bakal na kinakalawang ay tulad din nga isang tao na nangangailangan ng tulong at pag tanggap mula sa ibang tao. Ang langis sa kinakalawang na bakal ay ginaganapan ng mga taong nakaalalay sa ating pagunlad. Opo! sila ang ating langis na nagbibigay sa atin ng lakas ng loob upang lalo nating magawa ng mas mahusay ang ano mang bagay na ating nais maabot. Kung ang lahat ng mamamayan ay magtutulungan , imbis na magsiraan siguradong ang ating bansa ay aasenso sa pamamaraan ng tunay na pagkakaisa .
No comments:
Post a Comment